Custom Search

Wednesday, October 26, 2011

Isang Panalangin

Kay daming nais na makamtan,
nais malasap at matikman;
makamit ma’y wala ring kabuluhan,
kung ‘di ikaw ang pag-aalayan.
Iisa lang ang aking kaligayahan,
isang bagay na aking napatunayan;
nais ko’y ikaw ang kapiling,
sa bawat araw na dumarating.
Kapag ‘di ka kasama
ang bawat araw na lumilipas
parang natutuyong bulaklak na nalalagas.
Nawawala ang samyo nito
gayun din ang saysay
kasamang nabubulok ang gandang tinataglay.
Ang iyong tinig ang aking kalakasan,
ang iyong yakap ang aking kasiglahan;
ang iyong pag-ibig ang tanggulan,
sa paghinga’y ikaw ang dahilan.
‘Di kita ipagpapalit sa mapanuksong mundo;
tanging pag-ibig mo, O Diyos, ang nais ko.


a Free Verse in Filipino
an Official Entry to the 2010 Carlos Palanca Awards for Literature
Copyright © May 2010 by Arnel Oroceo for CPMA 2010
All Rights Reserved, International Copyright Secured

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Blog Roll