Lubhang nasasalanta ang lupain,
bitak-bitak na ang lupa sa mga bukirin.
Sa tindi ng init ng araw,
natutuyo na ang mga katubigan;
dasal ng mga tao’y bumuhos ang ulan.
Kung tutuusi’y katatapos pa lang ng mapaminsalang bagyo,
na nagwasak ng mga bahay at kumitil ng maraming buhay;
nilunod sa ilang oras na ulan,
ang ilang taong pinaghirapan!
Sino nga ba ang tamang sisihin;
ang mga pinunong bigo sa pamamahala,
o ang mga mamamayang nagpabaya?
Tag-ulan at tag-araw,
siklong nagpapapalit-palit lang,
sana’y magawang maiayon ang pamumuhay
sa pabagu-bagong panahon.
Responsibilidad sa sarili;
tungkulin sa kapwa at pribilehiyo mula sa Diyos na may likha
na magawang alagaan ang likas na yaman
bago tuluyang masadlak sa isang likas na kahirapan.
Tunay ngang ‘di malalabanan,
ang puwersa ng kalikasan;
nguni’t maaari mo itong maging kaibigan.
Ngayo’y kailangang tiisin ang nakapapasong init ng araw
at labanan ang matinding uhaw
habang dinidilig ng luha ang natuyong lupa.
Ilang buwan pa ay darating na
ang mga ulap na magdadala ng ulan;
mga bagyong magpapalubog sa maraming pamayanan.
Panibagong problema nanaman!
‘Di kailangan ng mga babaylan para makita
ang mga darating pang krisis,
kailangan lang idilat ang mga mata sa kapaligiran.
Kung hindi matutugunan ng may kapangyarihan
ang pangangailangan ng bayan,
parang siklong pabalik-balik lang ang mga nararanasan!
Tulungan ang sarili; sikaping magbago,
magtiwalang malalampasan ang hirap;
magpapadala ang Diyos ng himala sa mga nagsisikap.
a Free Verse in Filipino
an Official Entry to the 2010 Carlos Palanca Awards for Literature
Copyright © May 2010 by Arnel Oroceo for CPMA 2010
All Rights Reserved, International Copyright Secured
Job at Home
-
There are times when you will find it hard to make both ends meet. Some
resort to borrowing but added interests often worsen their situation. It's
great ...
No comments:
Post a Comment