Custom Search

Monday, October 24, 2011

Hanggang Kailan?

Ilang panahon na rin ang nagdaan,
kung iisipin, para bang kailan lang;
nung tayo ay huling nagkatabi
at mga palad nati’y nagkadampi,
kailan kaya kita muling makakasama?
Ilang panahon na ring naghihintay,
kung puwede nga lang sanang pabilisin
ang pag-ikot ng mundo.
Nananabik na mamasdang muli
ang ganda’t tamis ng iyong ngiti,
madugtungan pa kaya, ang mga lumipas na sandali?
Nguni’t parang habang ika’y inaabot,
e lalo ka namang napapalayo;
habang hinahabol ka’y tila lalong naglalaho
ang pag-asang magkakasama muli tayo.
Hanggang kailan maghihintay
na madama ang init ng pag-ibig mo?
Hanggang kailan maiinip
sa tagal ng iyong pagbabalik?
O kay tagal, umaasam, nangangarap
na tayo’y maging isang puso, sa harap ng Diyos.
Nguni’t parang ‘di na yata darating pa
o ang tagal, hanggang kailan pa ba?
Matagal na kong naghihintay,
sana ‘di mo, malimutan.


a Free Verse in Filipino
an Official Entry to the 2010 Carlos Palanca Awards for Literature
Copyright © May 2010 by Arnel Oroceo for CPMA 2010
All Rights Reserved, International Copyright Secured

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Blog Roll