Apple Mango Fruit |
May punong mangga sa harap ng aming bahay,
hitik na hitik sa bulaklak;
sana hindi umulan.
Nguni’t ‘di maaaring maiwasan;
tiyak ang dating ng ulan.
Naglalaglagan sa bawat bugso ng malakas na hangin
at malalaking patak ng ulan,
sayang at ‘di nabuo.
Nakapanghihinayang!
Ang nawalang mga bunga,
‘di na maibabalik pa sa sanga.
Bunga ng punong may dalang pakinabang,
‘di na nabuo, sayang!
Sa buhay may mga bunga din;
higit pa ang pakinabang kaysa pagkain.
Ang iyong mga ginawa at gagawin;
parang mga bungang maaaring pitasin.
Dulot ay aral at kaalaman,
kaya’t gawing matibay ang iyong mga sanga
ng hindi basta malagas ang iyong mga bunga.
Umihip man ang malakas na bugso ng unos,
hindi malalagas at mahuhulog
at sa lupa ay mabubulok.
Nakikilala ang puno sa kaniyang bunga,
matatandaan ang tao kung paano niya ginugol ang buhay niya.
Dadaan ang sigwa ng panahon
nguni’t mananatili ang iyong bungang buhay sa ala-ala.
hitik na hitik sa bulaklak;
sana hindi umulan.
Nguni’t ‘di maaaring maiwasan;
tiyak ang dating ng ulan.
Naglalaglagan sa bawat bugso ng malakas na hangin
at malalaking patak ng ulan,
sayang at ‘di nabuo.
Nakapanghihinayang!
Ang nawalang mga bunga,
‘di na maibabalik pa sa sanga.
Bunga ng punong may dalang pakinabang,
‘di na nabuo, sayang!
Sa buhay may mga bunga din;
higit pa ang pakinabang kaysa pagkain.
Ang iyong mga ginawa at gagawin;
parang mga bungang maaaring pitasin.
Dulot ay aral at kaalaman,
kaya’t gawing matibay ang iyong mga sanga
ng hindi basta malagas ang iyong mga bunga.
Umihip man ang malakas na bugso ng unos,
hindi malalagas at mahuhulog
at sa lupa ay mabubulok.
Nakikilala ang puno sa kaniyang bunga,
matatandaan ang tao kung paano niya ginugol ang buhay niya.
Dadaan ang sigwa ng panahon
nguni’t mananatili ang iyong bungang buhay sa ala-ala.
a Free Verse in Filipino
an Official Entry to the 2010 Carlos Palanca Awards for Literature
Copyright © May 2010 by Arnel Oroceo for CPMA 2010
All Rights Reserved, International Copyright Secured
Image above courtesy of:
http://mgonline.com/articles/mango.aspx
No comments:
Post a Comment